Monday, December 23, 2002

Nagkasalisi
Ni Carlo Montaño

Nakita ko siya padaan sa tabi ko,
Ano na ang gagawin ko nito?
Malapit na siya, ‘di ako kumibo,
Alam kaya niya ang aking sekreto?

Puso’y nakatago, ayaw gumalaw,
Paubos ang oras bago siya’y bumitaw,
Nakakuha ng lakas, paningi’y luminaw,
Ngayo’y haharapin ang kanyang silaw,

Nang siya’y dumaan, ako’y napansin,
Ngiting ka-ayaaya nang ako’y batiin,
Ngiti lang ginamit para siya’y sagutin,
Puso ko’y sumigla, ngunit ayaw sabihin,

Lumagpas siya sa paningin kong roon,
Puso’y ngumiti, biglang lumingon,
Siya’y nakita, kagandahan ang tugon,
Ako’y napangiti, pinaasa sa panahon.

No comments: